Share ko lang ang recipe ng mabo dofu.
Here it is:
1 pack tofu ( good for 2 people)
hikiniku (giniling) (depends on you kung gaano karami gusto mong meat, pwedeng 500 grams, ako kasi mas gusto ko maraming meat)
2 butil ng bawang
1 hiwa ng luya (manipis)
1 negi (sibuyas)
1 kutsaritang toubanjang (chilli paste)
kikkoman shouyu (toyo)
sugar
white peeper
ajinomoto
knorr chicken cube
goma abura (sesame oil)
katakuri ko (flour)
Heto ang procedure:
1. Durugin ang bawang at luya, hiwain ang sibuyas (huwag masyadong manipis) hiwain rin ang tofu (2.5 cm)
2. Maglagay ng mantika sa kawali, (2 kutsara) pag mainit na ilagay ang giniling, haluin hanggang sa mawala ang kulay dugo.ng karne.
3. Isunod ang bawang, luya, at sibuyas haluin ng kaunti then ilagay ang toubanjang (chilli paste) haluin para huwag dumikit.
4. Lagyan ng 1 at kalahating tasa ng tubig
5. Pakuluin tsaka ihulog ang chicken cube, isunod ang tofu.
6. Lagyan ng kikkoman shouyu(toyo) at sugar ayon sa iyong panlasa takpan at pakuluin hanggan maluto ang tufu (mga 3 min. lang luto na ang tofu) (sono mama "tsuyoubi" (malakas ang apoy)
7. Budburan ng white pepper at ajinomoto (dapat mahina lang ang pag halo upang hindi madurog ang tofu)
8. Tikman at pag naayon na sa panlasa tsaka haluan ng tinunaw na katakuri para lumapot then lagyan ng isang kutsaritang goma abura (sesame oil).
9. Presto.... your mabodofu is DONE.
No comments:
Post a Comment