Sunday, February 15, 2009

Pork Cutlet on Rice ( Katsudon)




japanese food ( Katsudon)


Ingredients


may nabibiling pork na sadyang pag tongkatsu (ang tongkatsu ay katsudon ang tawag pag nasa ibabaw na ng kanin with sauce on it)

2 itlog

pamin

takatakuri kopan ko (breadcrumbs)

shouyu (toyo)

pulang asukal

soba jouyu (toyo pang soba o udon)

mantika




Directions


1. batihin ang itlog ilagay sa bukod na lalagyan

2. maglagay ng katakuri ko sa bukod na lalagyan

3. magbukod rin ng pan ko

4. paluin ng kaunti ang karne then budburan ng paminta

5. pahiran ang karne ng katakuri ko (arina)

6. ilubog rin sa itlog

7. then ilubog o dampian ng maraming pan ko (breadcrumbs) itabi habang nagpapa-init ng mantika sa tempura nabe ( o deep frying pan)

8. subukang mag hulog ng ilang butil ng breadcrumbs sa mantika pag hulog neto at bumalik agad paitaas ibig sabihin pwede mo nang ihulog ang mga karne

9. Kapag naibaliktad na hinaan ng kaunti ang apoy, huwag masyadong tostado. kapag pumaitaas na ang karne pwede nang hanguin at patuluin muna ang mantika .

10. ang sauce naman: maglagay ng 2 tasang tubig sa kawali pag kumulo ay lagyan ng pulang asukal mga 2 tablespoons muna then 2 kutsara rin ng shoyu 1 kutsarang soba jouyu o kung may hondashi ka pwede ring lagyan ng kaunti. haluin at tikman ng naaayon sa panlasa pag tama na sa panlasa ilagay ang mga karne at baliktarin ng paulit ulit hanggang sa ma-absorb ng karne ang sauce. kung may natirang sauce pwede rin ibudbod sa karne pag nakapatong na sa kanin.

Take note: Dapat may naka sliced na repolyo sa ibabaw ng kanin o kung gusto man separated ang repolyo, masarap din na mayonnaise ang dressing ng gulay dahil match ito sa tongkatsu.

No comments:

Post a Comment