meron po akong ginawa ka gabi CHIFFON CAKE po. ang recipe po niya ay nakuha ko po sa aking cooking book yung kasama po ng OVEN namin
CHIFFON CAKE
16cm ang laki nya
3 egg
90g sugar
50ml cooking oil
60ml milk
vanilla konting patak mga 3
75g flour
1/2tsp baking powder
1) isama ang baking powder sa flour at salain po. then paghaluin ang cooking oil, milk, vanilla at 3 itlog na dilaw(ihiwalay ang puti). pag haluin lahat ng sangkap. iwan muna po sa isang tabi.
2) and then yung puting itlog i mixer nyo po kung wala naman kayo pwede pong manomano ihalo ang sugar pakonti konti rin hanggang sa maging soft na po siya. (yung sugar salain din po ninyo)
pagsamahin nyo po ang 1 and 2. halo lang po ng halo at ilagay sa lyanera ng cake ninyo lutuin po sa 170c and 25mints.
pasensya na po kayo sa pagtuturo ko dahil first time ko rin pong gumawa ng mga ito, sana po share din kayo ng inyong mga nalalaman sa paggawa ng cake nagtataka lang po ako kasi po ng bagong luto siya ang laki laki nya nakalobo po siya ang ganda ng kinalabasan...then mga isang oras naging punggok napo kulang po kasi ako sa recipe dapat po ang gagamitin ehhh cooking oil ang ginamit ko po ay margarine kaya yung nasa pic po ganon ang kinalabasan at lasang margarine po sya hihihi. dahil po kaya sa margarine kaya sya naging punggok? or baka naman me mali akong ginawa sa pagluluto?
2 comments:
gagawa ako ng ganyan, when i have time, sana masarap! (=
Ma try nga rin ....
Post a Comment