Wednesday, July 10, 2013

Papaya Atsara

Mga sangkap;

Papaya (big size)
2 cups of vinegar
2 cups of sugar
Red pepper 
Sweet chili pepper
Carrot 
Pipino
Pasas
Salt
Onion
Ginger
Garlic

Paraan ng pag gawa,

(Unahing pakuluan ang bote na pag lalagyan importante po ito at saka itaob hanggang sa matuyo ito)

Kadkarin ang papaya, lagyan ng salt at pigain ng mabuti saka ilipat sa tubig na maligamgam (banlawan mabuti) at saka pigain ulit hanggang sa maubos ang katas nito.

Hiwain ang mga nabanggit na mga sangkap

Kapag nagawa na ang mga bagay sa taas pwede nyo na itong isalin sa bote.

Pakuluan ang 2 cup na vinegar at 2 cup na sugar. Pitpitin ang bawang at luya, hiwain ang sibuyas at ihalo sa pakukuluang suka at asukal.

After pakuluan ilagay agad sa inihandang sangkap ng atsara sa bote ( mas mainam po kung ilalagay agad ang pinakuluang suka at asukal sa bote habang mainit pa ito) iwasan po na magka bobble, takpan at itaob ang bote ng 30 minutes. Mas masrap po sya kainin after 2 days.

No comments:

Post a Comment