Tuesday, June 25, 2013

Soft Ensaymada

Sangkap:
5 tasang "bread flour" (paghiwa-hiwalayin 1 + 1 + 3) = hula ko, eto yung primera sa Pilipinas
1/2 tasang asukal 
2 pakete Fleischmann’s RapidRise Yeast (instant yeast din to)
1 kutsarang asin
1 tasang gatas
1/2 tasang tubig
2/3 tasang purico
1 tasang "mashed potato" (maaaring gumamit ng purong nilagang patatas, o yung tirang mashed potato)
2 itlog
3 pula ng itlog
2-oz ginadgad na sharp cheddar cheese o kaya ay gumamit ng "crumbled feta cheese" at ihalo ito dun sa nakahiwalay na tatlong tasa ng harina (pwedeng gamitin ang food processor para mabiyak nang husto ang feta cheese at mahalong maige sa harina)
tinunaw na "butter" (mga 1 stick, pampahid bago i-bake)
pinalambot butter (mga 1 stick to 1-1/2)(para sa nirolyong dough)
 
Note:
(Ihalo ang 1 cup ng harina at cheese i blend ito para maghalo ng mabuti ang dalawang sangkap)...atsaka ihalo ito sa natitirang 2 cups ng harina.

Paraan:
Paghaluin ang 1 tasang harina, asukal, yeast (lebadura) at asin (eto ang tuyong sangkap). Pagsamahin at initin ang gatas, tubig, at purico hanggang 120º to130ºF. Unti-unting ihalo ang mga likidong sangkap sa tuyong sangkap. Paandarin ang electric mixer sa medium speed ng 2 minuto (paminsan minsan ay kaskasin sa gilid ang bowl para mahalong maigi). Idagdag ang mashed potato, itlog, at 1 tasang harina at i-beat uli ng 2 minuto sa high speed (pinakamabilis); kaskasin uli para mahalo maige.Unti-unting ibuhos ang natitirang harin (na me halong keso) habang umaandar ang mixer. Sa puntong ito, kung hindi kaya ng mixer maghalo ng makapal na dough, pwedeng gamitin ang wooden spoon o kamayin hanggang maging malambot na dough. Takpan ng plastic (cling wrap) at ilagay sa ref nang 2 oras.


Ihalo ang 3 pula ng itlog. takpan uli at ilagay sa ref. Maghintay ng 2 oras o kahit abutin ng 22 oras pa bago ihulma.


Sa paghulma, pwedeng hugis katol o nirolyo. Kung tinatamad ka, irolyo mo. Kung matyaga ka, gawing parang katol.


Wisikan ang countertop/lamesa ng maraming harina. Ilagay ang dough. Budburan ang ibabaw ng maraming harina. Gamit ang rolling pin, i-flat ang dough (Budburan lang na harina sa madikit na parte.). (Mas mabilis ito kesa paisa-isang piraso na pinahaba ng kamay). 


(1) Katol: Gamit ang "dough cutter", maghiwa nang pahaba para makagawa ng "lubid" na kasingtaba ng hinlalaki na 1 ft ang haba.. Eto ang gawing parang katol. Ilagay sa baking sheet na pinahiran ng manipis ng purico. Yung dulo ng katol ay dapat nasa ilalim, para hindi hihiwalay habang umaalsa. Maglaan ng 2 inches na pagitan bawat piraso. (Pwedeng i-freeze sa puntong ito: ilagay sa freezer ng 3 oras, ilabas at ilagay sa makapal ng plastic bag/ziploc. Alisin ang hangin hanggang kaya, tapos ibalik sa freezer. Pag handa na paalsahin, ilabas sa freezer, ilagay sa mold na me pahid ng purico, at paalsahin ng mga 4 na oras sa countertop/room temp, o ilagay sa pinainit (1 minuto) na oven para mas mabilis umalsa.)


(2) Nirolyo:
Itupi ang apat na gilid para makagawa ng parihaba (8x10 inches). Pahiran ng pinalambot na butter maliban sa pinakagilid para magselyo pag nirolyo. Irolyo nang mahigpit mula sa mahabang gilid. (Pwede i-freeze sa puntong ito: Balutin nang cling wrap nang mahigpit. Pag handa na paalsahin, ilabas sa freezer, palipasin ang 15 minuto bago hiwain.) Hiwain na mga 1 inch hanggang 1-1/2 inches ang kapal. Ilagay sa ensaymada mold na pinahiran ng purico/pinalambot na butter. 


Pahiran ng tinunaw na butter. Hayaang umalsa sa lugar na mainit-init at kelangan, walang malakas na hangin (draft); takpan ng plastic na pinahiran ng purico. Pwedeng ilagay sa oven. Ganito: Painitin ang oven ng isang minuto, saka ilagay ang baking sheet (hindi na kelangan takpan ng plastic). Hayaang umalsa hanggan dumoble ang laki. Pahiran uli ng tinuna na butter. Ihorno (bake) sa 350 F ng 12-15 minuto or hanggang maging golden brown ang ibabaw. Pagka-alis sa oven, ilagay agad sa wire rack para lumamig nang mga 30 minuto. Kung hindi kakainin agad, ilagay sa ziploc.


Kung kakainin agad, pahiran ng pinalambot na butter ang ibabaw (ang iba ay gustong gawin to habang mainit pa ang ensaymada, kaya natutunaw ang butter. Ako, ang gusto ko ay makapal yung malabot na butter, hindi tunaw.) Maglagay ng asukal sa mangkok (bowl) at idukdok ang ensaymada na may butter. (Maaaring paghaluin ang malabot na butter at asukal, tapos eto ang ipahid sa ensaymada. Mas kakapit ang keso pag ganito.)


Kung gusto mo na me keso, maggadgad ng cheddar cheese sa ibabaw.





No comments:

Post a Comment