kyorikiko........ 300grm
dried yeast..... 6 grm
asin .................4 grm
skim milk....... 15 grm
butter .............50 grm (naubusan ako ng butter kaya margarine
ginamit ko)
asukal............. 40grm
itlog............... .. 1
lukewarm water (40C).... 150ml
shortening...(pang grease sa bowl at rolling pin)
pag haluin muna ang kyorikiko...at asukal...dapat walang buo buo..
ilagay ang skim milk...haluin ulit....ilagay ang yeast...haluin mabuti
saka ilagay ang asin....pagkahalo lagyan ng space sa gitna....
batihin ang itlog....ilagay ang tubig.....saka ito blend ng mabuti...
at ibuhos dun sa gitna na ginawang space sa mixture ng harina...
wag ibuhos lahat gawin nating 3X...at haluing mabuti
saka ilagay ito sa lamesa at umpisahan ng masahin ang dough....
madikit sa kamay...grabe...pero wag kayong ma disapoint.....
magiging firm din yan sa kakamasa mo....
kapag halong halo na ung dough...ilagay na ang butter
masahin ulit mabuti....hangang maging katulad ng nasa picture..
at bago naging ganyan yan inabot ako ng 1 oras sa pagmamasa...
hampas ng dough sa lamesa...meron pang kusot kusot na parang
naglalaba........
bilugin ang dough...at ilagay sa bowl takpan ng saran wrap at
paalsahin ng 40 min.......(pahiran muna ng shortening ang bowl
bago ilagay ang dough)
after 40 min.....diinan ng palad para maalis ang hangin
sa dough......saka ito kiluhin at hatiin sa 10 parte....dapat
parepare ho ang bigat.....nasa 650grms ang dough na nagawa
ko...kaya....65grms each ang bawat bilog na yan......
isa isang bilugin sa palad ang dough at ilagay ito sa tray....
takpan ng basang tele o katsa...dapat pigaing mabuti ung tela...
itakip natin ito sa dough para nd ma dry ang dough...at paalsahin
after 15 min......gumamit ng rolling pin.....pahiran muna ng
shortening o kaya harina ang rolling pin bago ito gamitin sa
dough para nd kumapit ang dough sa rolling pin....
saka igulong ang rolling pin sa dough.....pahabain ng 20 cm ang
dough.....
mapapansin nyo na ung kabilang dulo ay lalapad...at ung
kabila naman ay makitid.....dun sa malapad na parte....itupi
nyo ang dough...gaya ng nakikita sa picture...saka ulit
pagulungin ang rolling pin para ma flat ang dough .....at
lagyan ng cheese....pdeng ham..bacon...bahala kayo sa
filling na gusto nyong ilagay....
dun nyo umpisahang i roll ang dough kung saan ko nilagay ang
cheese....
kaya makikita nyo na na ung makitid na part ang nasa ibabaw....
saka ulit takpan ng basang tela...at paalsahin ulit ng 20min...
after 20 min....mabati ulit ng itlog saka ito ipahid sa ibabaw ng
dough....para maganda ang kulay nito pag naluto....
at i bake natin sa init ng oven na 170-180c at 15-20min....
luto na ang tinapay ko.......
here the finis product